Tuesday, September 25, 2012

Gas Price Check - 9/25/2012

Sa Petron C-5
- 54.75 ang Xtra
- 55.75 ang XCS
 - Wala pa akong pakialam sa diesel

Sa susunod bibigyan ko na ng pansin yan. Sayang ang tax eh.

Monday, September 24, 2012

Team Manila

Napadaan ako SM Manila at natambad sa akin ang Team Manila. Aba, napakaganda na pala ng layout ng tindahang ito. Dati-rati T-shirt lang talaga ang mga nakikita ko rito, pero ngayon isang malupit na koleksyon na kung anu-anong bagay katulad ng pitaka, bag, notebook, na nagbibigay ng "nostalgic" na pakiramdam dahil sa mga nakasulat sa mga kagamitang ito.

Nakakatuwa lang rin na may isang katulad ng Team Manila na patuloy na tinatangkilik at pinapaalala ang tunay na Kultura ng Pinoy. Hindi sayang ang tax mo sa mga produkto ng Team Manila. Bukod sa gawa ng Pinoy, matutuwa ka pa talaga dahil ramdam mo ang pagiging nasyonalista ng nagpasimula ng negosyong ito.

Pagiging Commuter sa Metro Manila

Ang pagiging commuter sa Metro Manila ay para ng isang panata. Panatang matiis ang aberya makarating lang sa paroroonan.

Mga hot-spots na sadyang hirap makasakay:

1. Lahat ng terminal sa Ayala mall. Sa Standard Chartered, sa likod ng Paseo Center, sa may RCBC, sa Glorietta. Lahat ng ito, panigurado punuan lalong lalo na tuwing sasapit ang alas singko ng hapon.

2. Pagka inabot ka ng pasado alas sais ng umaga sa Ortigas Avenue extension at nagbabalak kang pumunta ng Ayala ay kailangan mo ng maghanda para sa isang umaatikabong pila. Maswerte ka kung may mga lumulusot na mga FX drivers na hindi pumipila at natitiyempo kang ikaw ang nakakasakay dun.

3. MRT. Subukan mong sumakay ng rush hour sa Edsa-Taft station. Hindi ko mawari kung saan nanggagaling na lungga ang mga Pilipino.

Mahabang usapan ito, kaya itutuloy...