Wednesday, October 3, 2012

Cybercrime Law - Uso eh.

Anong nangyayari ngayon?

1. Mga taong nagwawala sa Facebook.
2. Mga sarcasm na dapat sa mga vanity shots pinapataw ang Anti Cybercrime law.
3. Mga black na pictures sa Facebook.
4. Mga self-righteous remarks na kesyo simpleng batas hindi mapatupad, ano pa kaya ang Cybercrime.
5. Mga blog na ganito na nakikisawsaw sa isyung ito.
6. Humirit na naman si Sotto, panibagong drama na naman sa teleserye ng senado.
7. Tumae ako kaninang umaga, swabe lumabas lahat ng ebak ko pakiramdam ko pumayat ako ng 5 lbs.

Huwow Pinas! Sayang ang tax!

Ano uling sabi ni Sotto?


Nakuha ko ito sa Inquirer, binanggit ni Sotto ang sumusunod -

Pwede, alisin natin para parehas na ang laban. Maganda yan, pag-aaralan ko yan hanggang Lunes (We can remove that to have a fair play. That’s a good idea. I will study that until Monday),” he said.
“Alisin na natin ang gag sa masama broadcast, sa radyo, sa TV. Kung malaya sa Internet, pwede silang mambastos, mambaboy…gawin na din natin sa media. Kailangan pare-parehas,” Sotto added.

...

“Gusto nilang i-criticize ako, e di i-criticize ako nila ako basta huwag lang libelous. Huwag lang yung nambabastos , nambababoy kung tawagin below the belt kasi kung gusto nila ng ganun, pwede din ako dun (If they want to shame me, then do so as long they don’t make it libelous, below the belt…),” he added.


Sotto - eh di ituloy mo. mag-dadramahan na naman ba tayo?

sayang ang tax sa panonood ng teleserye sa senado. buti pa eat bulaga may tsansa pa magkapremyo.