Sunday, April 28, 2013

Isang Panawagan kay Nancy Binay

Mawalang-galang lang Nancy, at sa kanyang mga taga-sunod:

SANA HINDI KA MANALO SA ELEKSYON NA 'TO!

Sayang Ang Tax. Baka makipag-debate ka lang araw-araw. Hay, kawawang Pilipinas.

Friday, April 26, 2013

Bwisit ka Nancy Binay

Mula sa: http://www.abs-cbnnews.com/nation/04/26/13/nancy-okays-debate-vs-risa-after-polls

Asked if she is turning down Hontiveros’ challenge, she said: “Sabi ko naman sa kanya, okay lang eh. Basta pag nanalo na kaming dalawa sa Senado ‘di ba, pwede kaming magdebate araw-araw sa Senado.”




Hindi namin kayo binoboto para makipag-debate araw-araw sa Senado,

TANGA!!!

.
.
.

TANGA!!


Monday, April 22, 2013

Isang Panawagan sa Bureau of Customs


Isang Panawagan sa Bureau of Customs

Sa mga tauhan ng Bureau of Customs,
Maraming salamat po sa inyong lahat para sa pagkuha ng lahat ng mga iniimport na gadgets ng aking mga kuya sa Estados Unidos. Kahit papaano ay hindi ko nararanasan na may naluluma akong gamit. Maraming salamat at hindi ko naranasan na nagasgasan o nababasag ang screen ng gadget na maaaring pinangangalagaan ko. Habang nanonood ako kanina ng "Bawal ang Pasaway" ni Mareng Winnie, ay namulat ako sa katotohanan na hindi lang pala ako nag-iisa sa mga nanakawan ng gadget.

Napakaswerte niyo talaga dahil hindi kayo nadedeform at natutunaw sa dami ng radiation ng mga gadget na iniinspeksyon ninyo at nilalagay sa bulsa. Alam na alam naman namin lahat na ginagampanan ninyo ang trabaho ninyo.

Maiba naman ako ng pasasalamatan, maraming salamat din sa mga smuggled na sasakyan na nasa Cagayan, dahil naramdaman ko na mas malaki ang diskwento niyo kaysa sa summer sale ng SM Megamall.

May balak nga po pala ako ipa-ship na mga gamot na medyo may kamahalan mula sa Amazon. Ito po ay ipapadala sa akin ng aking kuya at umaasa pong makakarating ito sa loob ng isang buwan dahil tinitipid ko po ang aking sweldo dahil nagpapakain po ako ng tatlong anak. Sana po ay hindi na po ako makipag-bargain sa isang BOC official para i-haggle ang "charges" ng aking pinadala bukod sa import processing fee na aking binayaran. Pero maraming salamat pa rin po dahil alam ko namang trabaho lang naman talaga ang ginagampanan ninyo. At alam na alam ko naman po na pino-promote ninyo rin ang Nasyonalismo dahil sa ginagawa ninyo ay tatamarin na talaga kami magpadala ng mga mas murang mga gamit mula sa ibang bansa. 

Maraming salamat talaga sa bukod tangi ninyong serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Mula sa isang mamayang Pinoy,
Putangina ninyo Bureau of Customs.


Monday, April 15, 2013

Kris Aquino Top Taxpayer

Ayon sa isang balita ng ABS-CBN, si Kris Aquino raw ay isang top taxpayer. Buti naman.


Buti pa yung cleavage ni Kris nagpapakita. Yung mga malalaki ang kinikita diyan, magbayad na kayo mga hinayupak kayo!

Sweldo ko bawas na bawas tuwing kinsenas tapos yung sa inyo hindi nababawasan. Hayop!

O kaya turuan niyo na lang kami mag-tax evade.

Nakapag-file ka na ba ng ITR mo?

Kung umabot ka sa blog na ito at iniisip mo ang tanong na yan. Tatlong bagay lang yan:

1. Kumpanya mo ang nag-fifile ng ITR mo.
2. Hindi ka nakapag-file at magbabayad ka ng danyos na malaki-laking porsyento.
3. Wala kang pakialam dahil hindi mo alam kung saan napupunta ang tax mo. Sayang ang Tax

April 16 na bukas.