Wednesday, October 3, 2012

Cybercrime Law - Uso eh.

Anong nangyayari ngayon?

1. Mga taong nagwawala sa Facebook.
2. Mga sarcasm na dapat sa mga vanity shots pinapataw ang Anti Cybercrime law.
3. Mga black na pictures sa Facebook.
4. Mga self-righteous remarks na kesyo simpleng batas hindi mapatupad, ano pa kaya ang Cybercrime.
5. Mga blog na ganito na nakikisawsaw sa isyung ito.
6. Humirit na naman si Sotto, panibagong drama na naman sa teleserye ng senado.
7. Tumae ako kaninang umaga, swabe lumabas lahat ng ebak ko pakiramdam ko pumayat ako ng 5 lbs.

Huwow Pinas! Sayang ang tax!

Ano uling sabi ni Sotto?


Nakuha ko ito sa Inquirer, binanggit ni Sotto ang sumusunod -

Pwede, alisin natin para parehas na ang laban. Maganda yan, pag-aaralan ko yan hanggang Lunes (We can remove that to have a fair play. That’s a good idea. I will study that until Monday),” he said.
“Alisin na natin ang gag sa masama broadcast, sa radyo, sa TV. Kung malaya sa Internet, pwede silang mambastos, mambaboy…gawin na din natin sa media. Kailangan pare-parehas,” Sotto added.

...

“Gusto nilang i-criticize ako, e di i-criticize ako nila ako basta huwag lang libelous. Huwag lang yung nambabastos , nambababoy kung tawagin below the belt kasi kung gusto nila ng ganun, pwede din ako dun (If they want to shame me, then do so as long they don’t make it libelous, below the belt…),” he added.


Sotto - eh di ituloy mo. mag-dadramahan na naman ba tayo?

sayang ang tax sa panonood ng teleserye sa senado. buti pa eat bulaga may tsansa pa magkapremyo.

Tuesday, September 25, 2012

Gas Price Check - 9/25/2012

Sa Petron C-5
- 54.75 ang Xtra
- 55.75 ang XCS
 - Wala pa akong pakialam sa diesel

Sa susunod bibigyan ko na ng pansin yan. Sayang ang tax eh.

Monday, September 24, 2012

Team Manila

Napadaan ako SM Manila at natambad sa akin ang Team Manila. Aba, napakaganda na pala ng layout ng tindahang ito. Dati-rati T-shirt lang talaga ang mga nakikita ko rito, pero ngayon isang malupit na koleksyon na kung anu-anong bagay katulad ng pitaka, bag, notebook, na nagbibigay ng "nostalgic" na pakiramdam dahil sa mga nakasulat sa mga kagamitang ito.

Nakakatuwa lang rin na may isang katulad ng Team Manila na patuloy na tinatangkilik at pinapaalala ang tunay na Kultura ng Pinoy. Hindi sayang ang tax mo sa mga produkto ng Team Manila. Bukod sa gawa ng Pinoy, matutuwa ka pa talaga dahil ramdam mo ang pagiging nasyonalista ng nagpasimula ng negosyong ito.

Pagiging Commuter sa Metro Manila

Ang pagiging commuter sa Metro Manila ay para ng isang panata. Panatang matiis ang aberya makarating lang sa paroroonan.

Mga hot-spots na sadyang hirap makasakay:

1. Lahat ng terminal sa Ayala mall. Sa Standard Chartered, sa likod ng Paseo Center, sa may RCBC, sa Glorietta. Lahat ng ito, panigurado punuan lalong lalo na tuwing sasapit ang alas singko ng hapon.

2. Pagka inabot ka ng pasado alas sais ng umaga sa Ortigas Avenue extension at nagbabalak kang pumunta ng Ayala ay kailangan mo ng maghanda para sa isang umaatikabong pila. Maswerte ka kung may mga lumulusot na mga FX drivers na hindi pumipila at natitiyempo kang ikaw ang nakakasakay dun.

3. MRT. Subukan mong sumakay ng rush hour sa Edsa-Taft station. Hindi ko mawari kung saan nanggagaling na lungga ang mga Pilipino.

Mahabang usapan ito, kaya itutuloy...

Monday, June 4, 2012

Weather Forecast

Para sa weather forecast na hindi nasusunod, bumisita rito:



http://www.pagasa.dost.gov.ph/wb/wxfcst.html

Bayad yan ng tax natin, unggoy.

Sunday, June 3, 2012

Tax Free Videos: KALBO

Ang video na ito ay natagpuan sa Youtube, at mukang tax-free pa ito sa ngayon:


Tuesday, May 29, 2012

Huling Mensahe ni Corona para kay Noynoy

Si Grace Lee naman ang isipin mo, huwag na ako. Tapos ka na sa akin.

mula sa Inquirer

Renato Corona: Tax Free

Ang haba ng speech ni Corona. Pero buti na lang natapos na din. Kaya lang limang buwan tayong kinuhaan ng tax ulit dito para matapos tong trial na to. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang mga chicks ni P-Noy

Saturday, May 26, 2012

Ugat ng Pangyayari: Santiago vs. Tulfo

Unang epektus:



Eto naman iyong ikalawa:


Mga ilang obserbasyon:

May iuugat pa ba ang pinagmulan nito pagkatapos ng pangalawang epektus? Baka sabihin nina Raymart, may pagsisimulan pa lalo ito.

Si Raymart kailangan pala may taga-hawak ng sinusuntok para makatama ng suntok.

Si Claudine mataba.

Magaling palang umiyak talaga si Claudine.

Walang sayang na tax dito. Libreng entertainment.