Monday, December 30, 2013

Eric Tayag Sumayaw. Mar Roxas sasayaw na rin.

Ayon sa ating bubuwit, nababadtrip si Eric Tayag sa mga nagpapaputok sa labas ng bahay dahil maraming napuputulan ng kamay. Sayang naman daw ang isinayaw niyang ROAR dahil maraming ROARING in pain. Iputok niyo na lang daw sa loob ang sabi naman ni Cardinal Tagle.

Sa kabilang dako ng kapaligiran, dineclare na ni PNoy na si Mar Roxas ang kasagutan sa lahat ng problema sa Pilipinas. Dahil sa kahit anong kalamidad, sakuna, at krimen ay si Mar Roxas ang palaging humaharap sa camera para sagutin ang lahat ng tanong ng mediamen. Sa kasamaang palad, hindi talaga niya makuha ang loob ng masa kahit gaano kadaming exposure sa camera ang gawin niya.

Namataan naman sa isang event na si Erap ay tinataas ang kamay ni Binay. Ayon, kuha agad ang loob ng masa. Nabalewala na rin ang kontrobersya sa Forbes ni Junjun. Walang kaeffort effort.

Namataan din sa isang event si Mar at Eric Tayag at napagtanto ng mga tsismoso na si Mar ay magpapaturo na ring sumayaw kay Eric Tayag. Desperate measures coming soon.

Mabuhay ang Pilipinas. Happy new year.

Tuesday, December 24, 2013

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Walang matunog na balita ngayon kay Napoles, Natabunan ni Yolanda. Nawa'y ayos lang ang mga tinamaan ng bagyong ito. Ngayon naman natabunan ng kaitiman ni Binay. Sa mga nagmemaintain ng facilities ng mall, pakisigurado lang na nagfflush ang toilet bowl ninyo, para mabigyan ng courtesy yung tae ni Binay. Ang Tae ni Binay ay napakaimportante sa bayan na ito.

Wednesday, August 28, 2013

Napoles Sumuka

Actually, mali ata iyong balita. Nasuka ata si Napoles, hindi sumuko. Sumuka. Nasuka sa dami ng microphone ng media. Nabulunan. Si Mar Roxas ang dapat bigyan ng Microphone. Sorry Mar, napagdiskitahan na naman kita. Tagal mo talaga umere eh. Enjoy!

Si Mar Roxas at ang DILG

Ngayong si Napoles ay naturnover na sa DILG, abangan ang mga kahindik hindik na updates ni Mar Roxas dahil marami siyang babanggiting bagay tungkol sa ibig sabihin ng custody at kung anu anong proseso ang pinagdadaanan nila ngayon.

Dahil si Mar Roxas ang taong mahilig magpaliwanag.

Good job Mar. Keep up the airtime, para ka palang si Jordan, ang tagal sa ere.

Nahuli na si Napoles!

O tapos?

May sensation na naman ngayon sa Media at Social Media.
Okay na rin, first steps.

Monday, August 19, 2013

Napoles, Pork Barrel, Shit.

Si Napoles man yan o kung sinong Hudas yan. Para magkaroon ng bilyun-bilyong kaban ng bayan na nawawala, eh putang ina nasaan na iyon? Nasaan napunta ang taon-taon kong tinrabaho at tuwing sweldo ay pinanghihinayangang buwis na nababawas sa sweldo ko. Bukod sa masalimuot malaman na nacocorrupt lang pala ito ay nakakabwisit isipin na alam mong wala namang aamin at tatakbo ang proseso at sa huli kahit parusahan ang mga yan, hindi naman mababalik ang buwis na kinaltas na sa akin. Lecheng BIR! Pasensya ka na pati ahensyang iyan ay nadamay pa. Pero putanginang shit yan. Kahit anong paikot mo, nagbabayad pala ako ng buwis na natatapon lang kung kani-kaninong bulsa. Ngayon, patunayan mo man kung sino nagkasala pero putangina nagastos na yung perang pinaghirapan ko. Nasa gpobyerno na putanginang shit yan. Gago ka Napoles o kung sino pang sangkot dito. Kung wala ka mang kasalanan Napoles kang hayop ka, kung sino ka mang demonyo kang hudas ka na putangina mo na kumupit ng binayaran kong buwis sa lintik na putanginang shit na BIR yan eh putangina mo suntukan na lang tayo. Isama mo pa ang mga jejemon mong katropa. Tangina gago. Jejemon ruled. Sayang ang tax!!!

Wednesday, June 5, 2013

Juan Ponce Enrile Resignation

Teka, pang-ilan na yan?

ITULOY MO NA, PARANG AWA MO NA!

-taong bayan

Sunday, June 2, 2013

Serendra Explosion Root Cause Analysis

Isang panawagan kay Mar Roxas at kawani ng DILG -

ANG TAGAL NG AIRTIME NINYO SA TV!

Tapos panay sasabihin ni Mar ayaw magsabi ng statements dahil hindi raw ito conclusive, dahil ayaw nya magsabi ng teorya lang, eh sa tagal ng air time mo panay haka haka lang rin at opinyon pinagsasasabi mo.

Ungas.

Saka painterbyu ka ng painterbyu sa TV, panay step-by-step at sinasabi mong naninigurado ka sa bawat sasabihin mo. Huwag ka na lang magpa-interbyu dahil nakakairita ang air time na ginugugol para sa inyo para maglathala ka lang ng mga opinyon mo.

Sabagay, time to shine Mar.

Good luck.

Sunday, April 28, 2013

Isang Panawagan kay Nancy Binay

Mawalang-galang lang Nancy, at sa kanyang mga taga-sunod:

SANA HINDI KA MANALO SA ELEKSYON NA 'TO!

Sayang Ang Tax. Baka makipag-debate ka lang araw-araw. Hay, kawawang Pilipinas.

Friday, April 26, 2013

Bwisit ka Nancy Binay

Mula sa: http://www.abs-cbnnews.com/nation/04/26/13/nancy-okays-debate-vs-risa-after-polls

Asked if she is turning down Hontiveros’ challenge, she said: “Sabi ko naman sa kanya, okay lang eh. Basta pag nanalo na kaming dalawa sa Senado ‘di ba, pwede kaming magdebate araw-araw sa Senado.”




Hindi namin kayo binoboto para makipag-debate araw-araw sa Senado,

TANGA!!!

.
.
.

TANGA!!


Monday, April 22, 2013

Isang Panawagan sa Bureau of Customs


Isang Panawagan sa Bureau of Customs

Sa mga tauhan ng Bureau of Customs,
Maraming salamat po sa inyong lahat para sa pagkuha ng lahat ng mga iniimport na gadgets ng aking mga kuya sa Estados Unidos. Kahit papaano ay hindi ko nararanasan na may naluluma akong gamit. Maraming salamat at hindi ko naranasan na nagasgasan o nababasag ang screen ng gadget na maaaring pinangangalagaan ko. Habang nanonood ako kanina ng "Bawal ang Pasaway" ni Mareng Winnie, ay namulat ako sa katotohanan na hindi lang pala ako nag-iisa sa mga nanakawan ng gadget.

Napakaswerte niyo talaga dahil hindi kayo nadedeform at natutunaw sa dami ng radiation ng mga gadget na iniinspeksyon ninyo at nilalagay sa bulsa. Alam na alam naman namin lahat na ginagampanan ninyo ang trabaho ninyo.

Maiba naman ako ng pasasalamatan, maraming salamat din sa mga smuggled na sasakyan na nasa Cagayan, dahil naramdaman ko na mas malaki ang diskwento niyo kaysa sa summer sale ng SM Megamall.

May balak nga po pala ako ipa-ship na mga gamot na medyo may kamahalan mula sa Amazon. Ito po ay ipapadala sa akin ng aking kuya at umaasa pong makakarating ito sa loob ng isang buwan dahil tinitipid ko po ang aking sweldo dahil nagpapakain po ako ng tatlong anak. Sana po ay hindi na po ako makipag-bargain sa isang BOC official para i-haggle ang "charges" ng aking pinadala bukod sa import processing fee na aking binayaran. Pero maraming salamat pa rin po dahil alam ko namang trabaho lang naman talaga ang ginagampanan ninyo. At alam na alam ko naman po na pino-promote ninyo rin ang Nasyonalismo dahil sa ginagawa ninyo ay tatamarin na talaga kami magpadala ng mga mas murang mga gamit mula sa ibang bansa. 

Maraming salamat talaga sa bukod tangi ninyong serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Mula sa isang mamayang Pinoy,
Putangina ninyo Bureau of Customs.


Monday, April 15, 2013

Kris Aquino Top Taxpayer

Ayon sa isang balita ng ABS-CBN, si Kris Aquino raw ay isang top taxpayer. Buti naman.


Buti pa yung cleavage ni Kris nagpapakita. Yung mga malalaki ang kinikita diyan, magbayad na kayo mga hinayupak kayo!

Sweldo ko bawas na bawas tuwing kinsenas tapos yung sa inyo hindi nababawasan. Hayop!

O kaya turuan niyo na lang kami mag-tax evade.

Nakapag-file ka na ba ng ITR mo?

Kung umabot ka sa blog na ito at iniisip mo ang tanong na yan. Tatlong bagay lang yan:

1. Kumpanya mo ang nag-fifile ng ITR mo.
2. Hindi ka nakapag-file at magbabayad ka ng danyos na malaki-laking porsyento.
3. Wala kang pakialam dahil hindi mo alam kung saan napupunta ang tax mo. Sayang ang Tax

April 16 na bukas.